Linggo, Disyembre 10, 2017

Survival Game ba?, mag-Free Fire na!

Ang hanap mo ba ay larong makakabigay sayo nang kaba. Larong nakakamasasayahan ka kasama nang mga tropa. Laruin na ang Free Fire Battleground.

Umaangat na ang industriya nang mga survival games sa PC. Ngunit di lahat nang tao ay may PC kaya kung gusto mong subukan ang astig nang mga survival games tulad nang Player Unknown Battleground idownload mo na ang Free Fire Battleground sa iyong android o kaya IOS phone. Isa itong libreng laro na malalaro mo kasama ang tropa. Mapa solo man, duo o kaya group bawat laban ay bibigyan ka nang nakakakabang pakiramdam. Kung hindi mo pa alam ang Player Unknown Battleground o hindi mo pa napapanood ang penikulang Battle Royale eto ang mga gagawin dito sa laro. Kasama nang maraming tao,ihuhulog kayo mula sa eroplano papunta sa isang malawak na isla kung saan di kayo pwedeng tumakas. Hanap kayo nang mga gamit na pwede nyong gamitin upang kayo ay mabuhay. Pwede kayong mamili sa dalawang pagpipilian, ang tumakbo at magtago o ang maghanap at pumatay nang kalaban. Kung maghahanap ka nang kalaban ay tandaan mo na may mga kagamitan din silang pangpalag sayo. Kung ikaw naman ay tatago na lamang ay wag kang magpakampante. Sa paglipas nang oras ay unti unting liliit ang lugar na iyong pwedeng puntahan. Lumabas ka sa lugar na iyon at ikaw ay mamamatay.

 Ang rules lamang sa larong ito ay matirang buhay, di ba simple lang. Kaya ano pang hinihintay mo. Tara na at laruin mo ito.